Monday, July 14, 2008

Remembering 'Batibot'

Haaayyyyyy.... habang nasa youtube ako ewan ko ba kung bakit napunta ako sa mga pambatang palabas at dun ko nakita na may nag upload pala ng batibot.. Eto yung pinapanood ko nung ako ay bata pa kasama ang aking mga nakababatang kapatid at pinsan. Nakakatuwa na nakakalungkot habang naaalala ko ang panahon na yun. Nakakatuwa kasi nakapanood kami ng makabuluhang pambatang palabas gaya ng batibot, nakakatawa si pong pagong, kiko matsing, ningning, gingging at ang mga alien na sina sitsiritsit at alibangbang.. Ang dami ko ring natutunan kina ate sheena at kuya bodjie.. Nalulungkot naman ako kasi di na ito pinapalabas ngayon, nakakamiss, sana lang may makaisip na muli itong ibalik para sa mga bagong batang henerasyon. Maganda kasi itong pundasyon para sa mga batang magsisimula pa lang mag-aral sa elementarya o kahit nag-aaral na dahil talaga namang kapupulutan ng aral. Ang batibot.. isa ito sa naging pundasyon ko upang marating ko kung anuman ang narating ko ngayon.. Sa staff ng batibot, salamat sa inyo.. nakakamiss kayo huhuhu..

Thursday, July 10, 2008

Craving for a Baby

Ang sama ng pakiramdam ko ngayon.. Para akong nanghihina na ewan, cguro dahil sa meron lang ako o dahil sa depression na nararamdaman ko, depression na ang dahilan ay pagkakaroon ko kaninang umaga. Haaaaaaaay......:(

1 year, 2 months, 6 days, 5 hours, 26 minutes at 39 seconds na kaming kasal ng aking mahal na kabiyak pero hanggang ngayon wala pa rin kaming anak.. Napepressure na kami, dami na nagtatanong kung may laman na daw ba tiyan ko. Minsan dinadaan na lang namin sa biro, 'oo may laman tyan ko baby tae'. Yung pinsan ko nagsabi 'ate ninang ako ng baby mo ha?' sabi ko naman 'oo ba magninang ka sa baby tae' sabay kami tumawa hahaha.. itinatawa ko na lang ang lungkot na nararamdaman ko, idinadaan ko na lang sa biro ang hindi birong kalagayan ko..

Maraming nagsasabi 1 year pa lang naman daw kami, wag daw kami mawalan ng pag-asa, yung iba nga daw 2 years, 3 years, 5 years, 7 years.. Naku! wag naman sana kami umabot sa ganun at baka uugod-ugod na kami nun.. haha.. baka iniisip nyo ganun na kami katanda ha?? di naman..

Eto na naman ako, itinatawa ang depression ko.. baliw na ba ako?? hahaha..
sana naman next month mabuntis na ko.. pray for us please.. thank you..