Monday, July 14, 2008

Remembering 'Batibot'

Haaayyyyyy.... habang nasa youtube ako ewan ko ba kung bakit napunta ako sa mga pambatang palabas at dun ko nakita na may nag upload pala ng batibot.. Eto yung pinapanood ko nung ako ay bata pa kasama ang aking mga nakababatang kapatid at pinsan. Nakakatuwa na nakakalungkot habang naaalala ko ang panahon na yun. Nakakatuwa kasi nakapanood kami ng makabuluhang pambatang palabas gaya ng batibot, nakakatawa si pong pagong, kiko matsing, ningning, gingging at ang mga alien na sina sitsiritsit at alibangbang.. Ang dami ko ring natutunan kina ate sheena at kuya bodjie.. Nalulungkot naman ako kasi di na ito pinapalabas ngayon, nakakamiss, sana lang may makaisip na muli itong ibalik para sa mga bagong batang henerasyon. Maganda kasi itong pundasyon para sa mga batang magsisimula pa lang mag-aral sa elementarya o kahit nag-aaral na dahil talaga namang kapupulutan ng aral. Ang batibot.. isa ito sa naging pundasyon ko upang marating ko kung anuman ang narating ko ngayon.. Sa staff ng batibot, salamat sa inyo.. nakakamiss kayo huhuhu..

No comments: